MANILA, Philippines - Pinasisiguro ng Palasyo sa Philippine National Police (PNP) ang seguridad ng publiko kaugnay sa mahabang weekend dahil sa paggunita ng All Saints Day at All Souls Day sa susunod na linggo.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, inilatag na umano sa Palasyo ni PNP chief Director Gen. Nicanor Bartolome ang mga paghahanda ng kapulisan para sa nabanggit na okasyon.
Kabilang na umano rito ang pagpapaigting ng mga checkpoints at police visibility sa mga pampublikong lugar, partikular sa mga bus terminals, airports at seaports.
“In view of the long weekend ahead, the PNP has informed us it is beefing up security efforts. We expect many to go home to the provinces so the police will establish checkpoints and increase visibility especially for travelers,” ani Valte sa panayam.
Una ng idineklara ng Pangulo na non-working holiday ang October 31, araw ng Lunes. Ang All Saints’ Day ay natapat sa araw ng Martes.