^

Bansa

Memo vs 'no permit, no exam" sinusuway daw ng mga paaralan

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Dahil hindi naman sinusunod ng ilang unibersidad ang patakaran ng Commission on Higher Education (CHED) sa “no permit, no exam,” isinulong ni Senator Manny Villar ang isang panukalang-batas na naglalayong tuluyang ipagbawal sa mga pribado at pampublikong unibersidad at kolehiyo ang hindi pagbibigay ng exemination kung hindi pa nakakabayad ng tuition fee at hindi pa nabibigyan ng permit ang isang estudyante.

Sa Senate Bill 2992 na inihain ni Villar, sinabi nito na sa kabila ng pinalabas na memorandum ng Commission on Higher Education (CHED) laban sa ‘no permit, no exam’ policy, may mga  pribadong unibersidad at kolehiyo pa rin sa bansa ang lumalabag dito.

Ang pagbaba­wal sa “no permit no exam” policy ay ipatutupad rin maging sa mga  technical vocational schools.

Ang panukala ni Villar ay tatawaging “Anti-No Permit, No Exam Act of 2011” kung saan ang sinumang opisyal at empleyado ng higher educational institution at technical-vocational schools kasama  na ang dean, coordinators, advisers, professors at  instructors  ay pagmumulltahin ng mula P20,000 hanggang P50,000 kung hindi sila susunod.

Sinabi ni Villar na hindi dapat maging hadlang sa edukasyon ang kakapusan sa pera ng mga estudyante.

Sa nasabing panuka­la, hahayaan ang isang estudyante na makakuha ng mid-term o final examination kahit hindi pa bayad sa tuition pero papatawan sila ng  6 percent interest per annum.

Mabibigyan din naman umano ng proteksiyon ang mga may-ari ng eskuwelahan dahil hindi rin ilalabas ang grado ng isang estudyante hang­gang hindi ito nakakapagbayad.

vuukle comment

ANTI-NO PERMIT

DAHIL

HIGHER EDUCATION

MABIBIGYAN

NO EXAM ACT

SA SENATE BILL

SENATOR MANNY VILLAR

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with