^

Bansa

Pondo ng GFIs sunod na hihimayin ng Senado

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Iimbestigahan na rin ng Senado pati ang paggamit ng pondo ng Government Financial Institutions (GFI’s) sa mga pribadong indibidwal kaugnay sa pinalawak ng pagsisiyasat sa P660 milyong ‘behest loan’ na ipinagkaloob sa negosyanteng si Roberto Ongpin.

Sinabi ni Sen. Teofisto Guingona III, chairman ng blue ribbon committee, uunahin lamang nilang imbestigahan ang sinasabing P660-M behest loan ng Development Bank of the Philippines kay dating Trade Minister Roberto Ongpin.

Wika pa ni Sec. Guingona, isusunod nilang imbestigahan ang mga maanomalyang tran­saksyon hindi lamang ng DBP kundi pati ng mga GFI’s tulad ng Land Bank of the Philippines (LBP), Social Security System at iba pang kwestyonableng transaksyon.

Sa panig naman ni Sen. Sergio Osmeña, chairman ng committee on banks, kukuwestyunin din niya ang iba pang opisyal sa umano’y pagbili ng controlling shares sa Petron at Meralco mula sa loan ng GFI’s.

Inamin ito mismo ng dating DBP president Rey David sa pagharap nito sa imbestigasyon ng Senado at iginiit niyang hindi ito talaga practice ng DBP na bumili ng shares sa merkado.

Natuklasan din ni Osmeña na pinahiram din ng DBP si Ongpin ng pera na pinambili ng shares sa Petron bukod na pinautang dito na pinambili ng Philex mining shares.

Naniniwala si Osmeña na mayroong mala­king tao na nasa likod ni Ongpin kaya nabigyan ito ng malaking loan ng DBP na inamin naman ni Ongpin na kaibigan niya si dating First Gentleman Mike Arroyo.

DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GOVERNMENT FINANCIAL INSTITUTIONS

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

ONGPIN

OSME

PETRON

REY DAVID

ROBERTO ONGPIN

SENADO

SERGIO OSME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with