^

Bansa

Singil sa kuryente aakyat pa sa P3/kwh

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hindi pa tapos ang kalbaryo ng bawat tahanan sa napakataas na singil sa kuryente makaraang ibulgar ng Freedom from Debt Coalition (FDC) na maaari pa itong umakyat ng hanggang P3 kada kilowatt hour kung maaaprubahan ang mga nakabinbing petisyon sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Sinabi ni Ricardo Reyes, tagapangulo ng FDC, santambak pa ang petisyon na pinag-aaralan ng ERC buhat sa Manila Electric Company (Meralco) at iba pang power distributors na hinihiling ng sari-saring pagtataas partikular sa “generation charge”. 

Dahil sa pagiging maluwag umano ng ERC, na­ngangamba ang FDC na maaprubahan ang lahat ng naturang petisyon na may katumbas na P3 kada KwH.  Kapag nangyari umano ito, malaki ang posibilidad na maungusan ang Germany at Denmark sa may pinakamataas na singil sa kuryente sa buong mundo.

Nanawagan si Reyes sa administrasyong Aquino na ibasura na ang Epira Law na bigo umano sa layunin na mapababa ang singil sa kuryente at makahikayat ng mga investors sa sektor ng kuryente. 

Isa pa umano sa labis na nagpapalaki sa singil sa kuryente ngayon ay ang pagpapatong sa publiko ng utang ng National Power Corporation simula noong taong 2001. Nakapagtataka umano na sa halip na mabawasan ang dating US$16 bilyong utang, lumobo pa ito sa US$17 bilyon ngayong 2011 kahit na pinagbabayad dito ang publiko sa buwanang bill sa kuryente.

Kasama pa umano sa misteryo ay 91% na umano ng mga planta ng Napocor ay naibenta at naisapribado na habang hindi naman mabatid kung saan napupunta ang perang napagbilhan.

AQUINO

DAHIL

DEBT COALITION

ENERGY REGULATORY COMMISSION

EPIRA LAW

ISA

MANILA ELECTRIC COMPANY

NATIONAL POWER CORPORATION

RICARDO REYES

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with