MANILA, Philippines - Dapat palakasin ang National Commission on Indigenous People (NCIP) upang mabilis na maipatupad nito ang mga programa para iangat ang sitwasyon ng mga katutubo sa bansa.
Ito ang nagkakaisang sentimyento ng mga Manobos, Mayanwa, Tiboli, Bilaan, Subanen, Teduray, Higaonon, Talandig, Mandaya, Bnwanon at Agtas hinggil sa mabagal na pagpapatupad ng mga desisyon ng NCIP hinggil sa mga kondisyon na kanilang hinihingi sa mga investors para mapaunlad ang kanilang teritoryo kasama dito ang mga benepisyo na kanilang tatanggapin at magiging pakinabang ng gobyerno sa porma ng buwis.
Naniniwala ang mga katutubo na dapat magkaisa ang NCIP members upang makagawa ng paraan para mapalakas at maging epektibo ang komisyon.
Pinuna din ng mga katutubo ang pakikialam ng ilang NGO’s kung saan ay nagiging sagabal pa sila sa pag-usad ng proseso at balakid upang umasenso ang buhay ng mga IP’s.