MANILA, Philippines - Pormal na inilunsad kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang P72 billion na stimulus package bilang depensa sa epekto ng global financial crisis.
Sinabi ng Pangulo na mula sa nasabing pondo manggagaling ang P6.5 billion na LGU Support Fund; P5.5 billion para sa imprastraktura; P4.5 billion sa pagsasaayos ng MRT at P1.868 billion sa LRT improvement.
Ayon sa Pangulo, may pondo rin na gagamitin sa relokasyon ng mga illegal settlers sa Metro Manila.
Sa kabuuan, layon ng stimulus package na maibsan ang kahirapan at inaasahang makakatulong para makamit ang economic growth target na 5-6 percent. Umaasa rin ang Pangulo na mababawasan nito ang budget deficit ngayong taon.
“I have authorized additional expenditures of more than 72 billion pesos between now and the end of the year. This spen ding will provide added stimulus to our economy. Included here is a support fund for LGUs, which I announced yesterday. This will be worth at least 6.5 billion pesos, which they can spend on infrastructure development, poverty alleviation, and other programs that can help their respective communities toward development,” wika pa ni Pangulong Aquino sa pagdalo nito sa FOCAP forum sa Mandarin hotel sa Makati City.
Bago ang naturang paglulunsad, isinisi ng ilang ekonomista na ang ginagawang pagtitipid ng gobyerno ang dahilan kung bakit naging mabagal kaysa inaasahan ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa unang kalahating taon.