^

Bansa

'Ramon' humina

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Humina na at inalis na ng PagAsa  ang babala ng bagyo bilang 2 sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Ramon. Tanging signal number na 1 lamang ang umiiral sa Marinduque, Mindoro Provinces, Romblon, Southern Quezon, Camarines Sur, Sorsogon, Albay, Burias Island, Ticao Island, Masbate, Northern Palawan, Calamian Group of Islands, Panay Island, Guimaras Island at Northern Negros Occidental.

Alas-11 ng umaga kahapon, si Ramon ay nama­taan sa layong 30 kilometro ng hilagang silangan ng Roxas City taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Umuusad pa rin ito sa direksyon ng kanluran hilagang kanluran sa  bilis na 19 kilometro bawat oras.

Ngayong Huwebes, si Ramon ay inaasahang nasa layong 190 kilometro sa kanluran ng Calapan City. Malawak pa rin ang dalang kaulapan ng bagyo kaya inaasahan pa rin ang mga pag-ulan kaya pinapa­yuhan ang mga residente na mag-ingat dahil sa po­sibleng­ pagbaha at landslide.

BURIAS ISLAND

CALAMIAN GROUP OF ISLANDS

CALAPAN CITY

CAMARINES SUR

GUIMARAS ISLAND

MINDORO PROVINCES

NGAYONG HUWEBES

NORTHERN NEGROS OCCIDENTAL

NORTHERN PALAWAN

PANAY ISLAND

ROXAS CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with