FG, Versoza kakasuhan ng Senado sa chopper scam
MANILA, Philippines - Inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee na kasuhan ng katiwalian o paglabag sa anti-graft and corrupt practices act sina dating First Gentleman Mike Arroyo at dating Philippine National Police chief Jesus Versoza at iba pang personalidad na sangkot sa kontrobersiyal na pagbebenta ng second hand na choppers sa PNP.
Ngayon ilalabas ng Blue Ribbon committee ang report tungkol sa isinagawang imbestigasyon ng komite.
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, mas “air tight” ang kanilang kasong ihaharap laban kay Arroyo at Versoza kumpara sa kasong plunder na inihain ng PNP leadership na umano’y maraming butas.
Ang report ng komite ay ilalabas sa Kapihan sa Senado dakong alas-11:30 ng umaga sa pangunguna ni Senator Teofisto Guingona III, chairman ng komite.
Pagkatapos ng press conference na inaasa hang tatagal ng isang oras, magtutungo si Guingona kasama ang ilang senador sa Office of the Ombudsman upang magsampa ng kaso laban sa mga taong sinasabing nagsabwatan sa maanomalyang kontrata.
Matatandaan na direktang idinawit nina Archibald Legaspi Po, presidente ng LionAir, at Hilario de Vera, may ari ng Manila Aerospace Products Trading Corp. si dating First Gentleman na sangkot sa diumano’y maanomalyang pagbebenta ng second hand na helikopter sa PNP noong 2009.
- Latest
- Trending