Mahistrado ng SC pinagbibitiw
MANILA, Philippines - Matapos na bawiin ang desisyon na nagsasabing iligal ang pagtanggal ng Philippine Airlines management sa 1,400 miyembro ng Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (FASAP) dahil lamang sa teknikalidad, dapat na ring magbitiw ang mga mahistrado ng Korte Suprema.
Ayon kay Association of Major Religious Association of the Philippines (AMRSP) Chairperson Sr. Mary John Mananzan, for delicadeza ay gawin na ito ng mga mahistrado dahil nakakadismaya at nakakahiya ang kanilang ginawa.
Nangangamba si Mananzan na hindi malayong tumaas ang bilang ng mag-rerebelde sa bansa dahil sa mga ganitong uri ng desisyon.
“I am really so disgusted! At anu ba yan? Supposedly they are the last resort so ang mga tao na nawalan ng trabaho ay nabuhayan ng loob matapos pumabor sa kanila ang Korte Suprema. At ang kaso na ito ay involving so many people at saka, bakit? Sa sulat lang ni Atty.Mendoza papalitan nila o babawiin nila ang kanilang naunang desisyon, “ani Mananzan.
Kaugnay nito, lubos na ikinadismaya ni CBCP-NASSA chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang urong-sulong o pagbawi ng Korte Suprema sa desisyon nitong with finality.
- Latest
- Trending