^

Bansa

Pinay kulong sa 'bawal na relasyon'

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na Pinay ang hinatulan ng Dubai court ng isang taong pagkabilanggo dahil sa umano’y bawal na relasyon sa sarili nitong asawang Pinoy sa United Arab Emi­rates (UAE).

Sa report na tinanggap ni John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante Middle East, humihingi ng tulong ang Pinay na may inisyal na NR, matapos na makulong at masentensyahan nitong Linggo (Oct 9) ng 1-taong pagkakakulong dahil sa kasong “illicit relationship” na inihain laban sa kanya at sa kanyang umano’y mister.

Nabatid na isa ring OFW ang umano’y asawa ni NR at may isa silang anak na 2-buwang sanggol. Kasamang nakakulong ni NR ang kanyang sanggol na anak sa Dubai jail.

Nabatid sa The National, isang Dubai-based newspaper, na nagbigay ng testimonya si NR sa Dubai Court of Misdemeanors na siya at kanyang mister ay kasal noong Hunyo 10, 2007 sa Pilipinas, tatlong araw bago sila tumungo pareho sa Dubai upang magtrabaho.

Noong Hulyo 27, 2011 ay nagsilang ng sanggol ang Pinay sanhi ng kanyang pagkaka-aresto matapos na hindi nito maprisinta ang kanyang mga dokumento o valid marriage certificate na nagpapatunay na asawa niya ang kinakasamang Pinoy.  

DUBAI

DUBAI COURT OF MISDEMEANORS

HUNYO

JOHN LEONARD MONTERONA

MIGRANTE MIDDLE EAST

NABATID

NOONG HULYO

PINAY

PINOY

UNITED ARAB EMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with