^

Bansa

1-M loose firearms nakakalat

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - May isang milyong loose firearms ang sinasabing nakakalat sa buong bansa at posibleng pinanghahawakan ng mga iresponsableng indibidwal at ginagamit sa krimen.

Sinabi ni Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, nakakaalarma na tumaas ang insidente ng krimen sa bansa dahilan sa pagkalat ng mga loose firearms.

Ayon kay Biazon, may 5,999 loose firearms ang nagamit sa 5,752 nangyaring krimen sa buong bansa.

Dahil dito, pinaaapura ni Biazon ang panukala niyang House Bill no. 12 na naglalayong taasan ang pagpapataw ng parusa sa sinumang makukumpiskahan ng hindi lisensyadong baril.

Gayunman, kinuwestiyon ni Biazon ang pag-amin ni Presidential Political Adviser Sec. Roland Llamas na nagmamay-ari ito ng limang matataas na kalibre ng mga baril. “It is the opinion of this representation that the individual should only be allowed to own only two firearms, one long and one short. You have only two hands anyway so why need for more than two firearms. You cannot possibly fire more than two weapons at a time,” ani Biazon.

AYON

BIAZON

DAHIL

GAYUNMAN

HOUSE BILL

MUNTINLUPA REP

PRESIDENTIAL POLITICAL ADVISER SEC

RODOLFO BIAZON

ROLAND LLAMAS

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with