^

Bansa

Mister kinapos sa pera, nagbigti

- Danilo Garcia -

RIZAL ,Philippines  – Pinaniniwalaang kawalan ng pera na pantustos sa kanyang pamilya ang nagtulak sa isang 50-anyos na ama para wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng  pag­bibigti, kamakalawa ng gabi sa bayan ng Cainta, Rizal.

Batay sa ulat na nakarating kay Rizal PNP director P/Senior Supt. Manuel Prieto, nakilala ang biktima na si Reynaldo Bana ng K77 Kagandahan Street, Blk. 148, Lot 7, Karangalan Village, Barangay San Isidro.

Ayon sa asawang si Leonida, iniwan niya ang mister dakong alas-6 ng gabi kasama ang apat na anak habang nanonood ng telebisyon.

Laking gulat  na lamang ni Leonida nang siya ay bumalik na nakabitin ang mister sa kisame gamit ang  telephone cord.

Agad na pinutol ni Leonida ang cord saka humingi ng tulong sa mga barangay tanod para dalhin sa ospital subalit idineklarang patay.

Sinabi pa ng asawa ng biktima na ilang beses nang nagtangkang magpakamatay ang kaniyang  mister lalo na kapag walang pera at lango sa alak ngunit ngayon lamang ito natuluyan.  

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN ISIDRO

KAGANDAHAN STREET

KARANGALAN VILLAGE

LEONIDA

MANUEL PRIETO

REYNALDO BANA

RIZAL

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with