^

Bansa

PDEA nagbabala laban sa pekeng agents

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Binalaan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang publiko laban sa mga nagpapanggap na ahente ng kanilang tanggapan para sa kanilang iligal na aktibidad at makapanloloko ng tao.

Aksyon ito ng kagawaran matapos na limang kalalakihang nagpanggap na mga operatiba ng PDEA ang umano’y nangholdap sa dalawang managers ng kilalang pawnshop.

Ayon kay PDEA Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., ito ang pangatlong pagkakataon na nangyari ang nasabing insidente.

Iginiit ni Gutierrez na ang PDEA ay sumusunod sa standard operating procedures o SOP sa pagsasagawa ng legitimate search operations at check-points.

Patakaran na rin anya ng PDEA anti-drug operations na makipag-coordinate sa lokal na pulisya at ang search operations ay laging may kaakibat na search warrants na galing sa korte.

Hinikayat din ni Gutierrez ang publiko na i-report sa PDEA ang kahalintulad na modus operandi na nagpapanggap na PDEA agent sa panloloko.  

AKSYON

AYON

BINALAAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GUTIERREZ

HINIKAYAT

IGINIIT

PATAKARAN

PDEA

UNDERSECRETARY JOSE S

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with