Kris inalok na maging UN envoy for goodwill sa Asya

MANILA, Philippines - Inalok ng United Nations High Commission for Refugees (UNHCR) si Presidential Sister Kris Aquino-Yap na maging ambassador for goodwill to Asia.

Sinabi ni Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas, tinanggap niya mismo ang alok nang dumalo siya sa UNCHR Executive Meeting sa Geneva, Switzerland.

Ayon kay Llamas, magiging ka-level na ni Kris sina Hollywood star Angelina Jolie at Princess Diana kapag tinanggap ang pagiging UN ambassador.

Wala pang pormal na pahayag ang bunsong kapatid ni Pangulong Benigno Aquino III kung tatanggapin nito ang alok ng UN.  

Show comments