Oct 31, non-working holiday

MANILA, Philippines - Idineklara ng Malacañang na special non-working holiday ang darating na Oktubre 31, ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Nilagdaan ni Executive Secretaty Paquito Ochoa Jr. ang Proclamation 265 bilang special non-working holiday sa buong bansa.

Mangangahulugan na magkakaroon ng mahabang oras ang mga Filipino upang madalaw ang kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay sa pagdiriwang ng All Saints Day sa Nov. 1.  

Show comments