^

Bansa

P500-B utang sa IRA, sinisingil ng LGU's

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Umaasa ang mga lokal na pamahalaan sa bansa na masisingil na nila ang ti­natayang P500 bilyon na utang ng nasyunal na pamahalaan buhat sa hindi naibibigay na 40% sa “Inter­nal Revenue Allotment” buhat noong 1992 sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ang inihayag kahapon ni Batangas Rep. Hermilando Manda­nas, chairman ng Committee of Ways and Means sa Kongreso sa opisyal na pagbubukas ng progra­mang “Biyaheng Pinoy” ng pamahalaan sa pa­ngunguna ng Department of the Interior and Local Government sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Ibinulgar ni Mandanas na naipon ang naturang napakalaking halaga makaraang hindi tuparin ng national government ang isinasaad ng 1987 Constitution, Republic Act 7160 (Local Government Code of 1991), at Republic Act 8424 (National Internal Revenue Code of 1997) na nararapat hatian ang mga lokal na pamahalaan ng 40% sa kabuuang buwis na nalilikom ng Bureau of Internal Revenue.  Kasama dito ang mga buwis sa “Value Added Tax (VAT)”, Excise Tax, at Documentary Stamp Tax.

Sinabi ni Mandanas na magagawan ito ng paraan ng Malacanang upang makuha ng mga lokal na pamahalaan ang nararapat na parte nila sa IRA.

Nangako naman si DILG Secretary Jesse Robredo kay Mandanas na pag-aaralan ang pagbibigay ng naturang pondo.  

BATANGAS REP

BIYAHENG PINOY

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMITTEE OF WAYS AND MEANS

DOCUMENTARY STAMP TAX

EXCISE TAX

HERMILANDO MANDA

MANDANAS

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with