^

Bansa

Sorry ni Amb. Thomas sa sex tourism tanggap ng Palasyo

- Ni Malou Escudero -

“Case closed!”

MANILA, Philippines - Ito ang sinabi kahapon ni Presidential spokesman Edwin Lacierda kaugnay sa paghingi ng tawad ni United States Ambassador Harry Thomas sa kontrobersiyal niyang pahayag na 40 porsiyento ng mga turistang lalake na nagtutungo sa Pilipinas ay dahil sa sex o sex tourism.

Ipinahiwatig ni Lacierda na dapat tigilan na ang nasabing isyu matapos mag-sorry si Thomas.

“We were informed the ambassador issued through text his regret over the statement he made. So we consider the issue a closed case,” sabi ni Lacierda.

Sa kabila ng pagso-sorry ni Thomas, nilinaw nito na itutuloy pa rin ng gobyerno ang pagtugis sa mga nagsasamantala sa mga Filipino lalo na sa mga kabataan.

Matatandaan na ilang senador rin  ang naggiit sa DFA na huwag tantanan si Thomas at dapat ilabas nito kung saan niya kinuha ang kaniyang data kaugnay sa sex tourism sa bansa.

vuukle comment

EDWIN LACIERDA

IPINAHIWATIG

LACIERDA

MATATANDAAN

PILIPINAS

SEX

THOMAS

UNITED STATES AMBASSADOR HARRY THOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with