^

Bansa

Libreng sakay ng senior sa LRT nagkaaberya

Nina - Angie dela Cruz/Mer Layson -

MANILA, Philippines - Nagkaaberya at pansamantalang naantala ang libreng sakay ng Light Rail Transit (LRT) para sa mga senior citizens kahapon ng umaga.

Sa reklamong pinaabot ng mga pasahero, 5:30 na ng umaga ay wala pa rin coaches ng LRT ang dumarating.

Ganap na alas-5:45 ng umaga, nag-anunsyo na ang pamunuan ng MRT sa pamamagitan ng kanilang public address system na nagkaroon ng diperensya ang isa nilang tren sa Guadalupe na sanhi ng delay ng tren.

Matapos maayos ang problema bumalik naman agad sa normal operations ang takbo ng mga tren.

Ang libreng sakay para sa mga senior citizens sa LRT Line 1 at 2 ay inilunsad bilang tugon sa request ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang celebration ng Elderly Filipino Week, ayon kay LRTA Administrator Rafael Rodriquez.

ADMINISTRATOR RAFAEL RODRIQUEZ

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

ELDERLY FILIPINO WEEK

GANAP

GUADALUPE

LIGHT RAIL TRANSIT

LRT

MATAPOS

NAGKAABERYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with