MANILA, Philippines - Pangungunahan ng isang Filipino martial arts instructor na siya ring nagsasanay sa mga elite team ng mga law enforcement unit sa bansa ang libreng seminar para sa publiko sa isasagawang 2011 Defense & Sporting Arms Show (DSAS) Part 2 sa November 17-21 sa SM Megamall, Mandaluyong City.
Si Dindo de Jesus, chief instructor ng Krav Maga Philippines (KMP), ay kabilang sa mga resource speakers sa DSAS na tatalakay sa benepisyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa naturang self-defense system na ngayon ay popular na sa Pilipinas.
Si de Jesus ay isa rin sa apat na Krav Maga instructor na Pinoy na ginawaran kamakailan ng Graduate Level 2 certification bilang KM instructor.
Inorganisa ng Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD) na pinamumunuan ni Neri Dionisio, ang tema ng DSAS Part 2 ay “Right to Life, Right to Live.”
Kabilang sa mga support organizations ay PNP, Civil Security Group, Firearms and Explosives Office, Eastern Police District, Mandaluyong City Police Station, Philippine Practical Shooting Association, National Range Officers Institute, Philippine National Shooting Association, Steel Challenge Shooting Association of the Philippines at A2S5 Coalition.