Uulan ng meteor
MANILA, Philippines - Masasaksihan ngayong Oktubre ang dalawang meteor shower na magbibigay kulay sa papawirin.
Ayon sa PAGASA, unang makikita ang Draconids meteor shower sa darating na Oktubre 8 at 9, 2011.
Tinatayang 40 meteors ang makikita dito kaya magmimistulang ulan ito ng bulalakaw na masisilayan sa kalangitan.
Sa darating na Oktubre 17 hanggang 25 naman ay magiging kaabang-abang ang October Orionids meteor shower na may maximum rate na 15 meteors kada oras.
Pinakamarami naman sa mga bulalakaw ng Orionids ay makikita sa gabi ng Oktubre 21 hanggang madaling araw ng Oktubre 2, 2011.
- Latest
- Trending