^

Bansa

Pagbasura sa jatropha pinuri ni Tañada

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Pinuri ni Deputy Speaker Lorenzo “Erin” R. Tañada III ang hakbang ng Department of Energy na ibasura ang pagpapaunlad sa jatropha bilang alternatibo sa langis.

Sinabi ni Tanada na matitipid dito ng pamahalaan ang natitirang P400 milyon ng P1 bilyong pondo para sa pagpapaunlad sa jatropha.

“Positibong pangyayari ang desisyong ito dahil isa itong oportunidad para subukan na gawing langis ang bawat ektarya ng ilang pananim na tulad ng kamoteng kahoy at sweet sorghum pero ginagamit pa rin ang hindi nagagastang P400 milyong pondo para sa de-listed alternative fuel crop,” sabi ni Tanada.

Ipinatigil ang pagpapaunlad sa jatropha bilang alternatibong langis nang lumitaw sa pag-aaral na hindi magiging malaki ang produksyon nito.

Kaugnay nito, hinamon ni Tañada ang Philippine National Oil Company Alternative Fuels Corp. (PAFC) na trabahuhin ang mga bagong crops o pananim na nakalista at natukoy na maaasahan sa fuel conversion.

Nakilala ang jatropha bilang miracle plant at itinatanim sa Pilipinas, Brazil, India, Mali at Paraguay.

Pero nagkaroon ng pagdududa sa miracle properties ng halaman nang matuklasang napakaliit lang ng malilikha nitong langis. Kabilang ang lalawigan ng Quezon sa pag-eeksperimento ng jatropha pero nabigo ito.

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENERGY

DEPUTY SPEAKER LORENZO

IPINATIGIL

KABILANG

KAUGNAY

NAKILALA

PERO

PHILIPPINE NATIONAL OIL COMPANY ALTERNATIVE FUELS CORP

PILIPINAS

TANADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with