Mikey, misis nasa BI watchlist na
MANILA, Philippines - Inutos na kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima sa Bureau of Immigration (BI) na isama ang pangalan ni Ang Galing Pinoy Party-list Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo at ang misis nitong si Angela sa watchlist kaugnay sa kasong P73.85 milyong tax evasion na ipinasampa sa Court of Tax Appeals (CTA) sa reklamo ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sa 3-pahinang kautusan, sinabi ng kalihim na dapat masubaybayan ang kilos ng mag-asawa sa pamamagitan ng WLO na tatagal ng 60-araw, dahil na rin sa rekomendasyon ng Department of Justice Task Force on Bureau of Internal Revenue Cases (TFBIR) na may probable cause upang idiin sila sa mga paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997.
Nahaharap si Mikey sa 3 counts of failure to file income tax returns (ITRs) para sa taong 2007, 2008, at 2009 at 3 counts din ang failure to supply correct and accurate information sa kaniyang ITRs para sa taong 2004, 2005, at 2006.
Samantala pinakakasuhan din ng DOJ si Angela ng 7 counts dahil sa failure to file ITRs sa taong 2003 hanggang 2009.
- Latest
- Trending