^

Bansa

Disaster law hinging susugan

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nais ni Kasangga Partylist Representative at Joint Oversight Committee on Disaster Risk Reduction and Management Council member Teodorico Haresco na amyendahan ang Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Law.

Ipinapanukala ni Ha­res­co na gamitin ang Over­seas Development Assistance (ODA) para mapondohan ang National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRMC).

Kung wala anya ang na­turang pondo, hindi sapat ang P93 milyong badyet para matulungan ang mga biktima ng kalamidad sa buong bansa.

Sinabi pa niya na ang pondo ng ODA ay isang mahalagang alterna­tibo para sa pondong kina­ka­ila­ngan.

“Nakatulong sa credit standing ng Pilipinas ang zero-based fiscal ma­nagement ng pangulo. Mas maige ang paggamit sa ODA,” sabi pa niya.

Binanggit pa niya na maaaring likhain ang isang special Infrastructure Response Unit para ma­kipagtulungan sa mga pamahalaang-lokal sa pagkumpuni ng mga public works na winasak ng mga kalamidad tulad ng bagyo at lindol.

Sabi pa ni Haresco na 24 kalamidad ang regular na tumatama sa bansa na nagpapahina sa 10,000 li­neal meters na mga tulay taon-taon.

“Mahalaga ang mga tulay na ito sa disaster rescue and relief effort,” wika pa ng kongresista.

BINANGGIT

DEVELOPMENT ASSISTANCE

DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT

INFRASTRUCTURE RESPONSE UNIT

JOINT OVERSIGHT COMMITTEE

KASANGGA PARTYLIST REPRESENTATIVE

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT

SHY

TEODORICO HARESCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with