12 embahada, konsulada isasara ng DFA
MANILA, Philippines - Isasara ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 12 embahada at konsulada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.
Aabot umano sa P100 milyon hanggang P150 milyon ang matitipid ng gobyerno sa pagpapasara ng 12 embahada at konsulada pero hindi ito ilalagay sa Bureau of Treasury at sa halip sa ibang diplomatic posts na nangangailangan ng mas maraming mga tauhan at pondo para sa matulungan ang mas maraming OFWs.
Sinigurado naman ni Senator Franklin Drilon na walang mangyayaring retrenchment sa DFA dahil ililipat sa ibang diplomatic posts ang mga maapektuhang empleyado sa mga isasarang embahada.
Ang DFA ay may 94 diplomatic posts sa ibang bansa na kinabibilangan ng 66 embahada, 23 konsulada at apat na mission sa mga international organizations.
Ipinunto ni Drilon na ang Singarapore na isang mayamang bansa ay mayroon lamang 23 diplomatic posts samantalang ang Pilipinas ay may 67 embahada.
Kinuwestiyon din ni Drilon ang pagkakaroon ng Pilipinas ng kosulada sa Vladivostok kung saan gumagastos ang gobyerno ng P2.4 milyon. Ang Vladivostok ay nasa easternmost ng Russia.
Hindi naman tinukoy ni Drilon ang 12 embahada at konsulada na isasara ng DFA.
- Latest
- Trending