MANILA, Philippines - Isang Pinoy na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 kamakalawa ang may bitbit ng sulat ng pasasalamat kay Pangulong Aquino dahil sa pag-lift ng ban ng mga OFWs patungong Afghanistan.
Si Carlo Echano, 47, taga Cainta at isang Logistic manager sa isang US and NATO bases sa south Afghanistan ay dumating kasama ng pito pang kasapi ng Filipino in Afghanistan representatives.
Sa panayam ng PSN, sinabi ni Echano na mahigit na 6,000 manggagawa sa ibat ibang US bases sa Afghanistan ang nagpapasalamat kay Pangulong Aquino sa “partial lifting” dahil mare-renew o mae-extend ng kanilang American at international employers ang kontrata ng mga Pinoy sa naturang bansa.
Nabatid na ang pinakamababang sahod ng isang ordinaryong manggagawang Pilipino sa loob ng base ay US$2,000/month samantala ang mga engineers natin ay sumasahod ng US$15,000/month at ito ay diretso sa bangko sa Pilipinas.