MANILA, Philippines - Isang araw matapos mapatay ng US forces sa missiles attack ang dalawang top al-Qaeda members sa Yemen, nagpalabas ng worldwide travel alert ang Estados Unidos na nagbibigay babala sa kanilang mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo sa posibilidad na anti-American attacks bilang ganti.
Kinumpirma ng US at Yemeni government na noong Setyembre 30 ay napatay ng US forces sa Yemen si Yemeni-American Anwar al-Awlaki, ang external operations leader ng al-Qaeda sa Arabian Peninsula at nakabase sa Yemen. Siya ang itinuturong nasa likod ng pambobomba sa isang eroplano patungong Detroit noong Disyembre 2009 at ang planong terror attack matapos na ma-intercept ang ipinuslit na bomb packages sa Chicago noong 2010.
Napatay din ng joint US military at Central Intelligence Agency (CIA) ang American citizen na si Samir Khan, nagsisilbi umanong editor ng isang glossy magazine na ginagamit umano sa propaganda at recruitment tool ng al Qaeda sa Arabian Peninsula.