1 pang LPA binabantayan
MANILA, Philippines - Nakalayo na sa bansa ang bagyong “Quiel”pero isang low pressure area naman ang minamanmanan.
Ayon sa PAGASA, ang LPA ay namataan sa layong 660 km silangan ng Visayas. Ngunit pinalalagay din na hindi ito madebelop at may posibilidad na matunaw, kung hindi magbabago ang takbo.
Bunsod nito, nagbaba na ng storm signal ang PAGASA kahapon. Signal no. 1 na lamang sa Ilocos Sur, La Union, Zambales, at Pangasinan.
Inaasahang mararanasan sa mga naturang lugar ang lakas ng hanging 45-60 kph sa loob ng 36 na oras. Bagama’t si Quiel ay nasa kanlurang bahagi ng Philippine Sea, magdadala pa rin ito ng ulan dala ng Habagat.
- Latest
- Trending