9M Pinoy 'no read, no write'

MANILA, Philippines - May kabuuang 9-mil­yong Pinoy sa bansa ang hindi marunong bumasa, magbilang at sumulat o ‘no read, no write’ na ka­bilang sa ‘functionally illi­terate’.

Ito ang nabatid ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) mula sa survey ng National Statistics Office (NSO) na inilabas nitong buwan ng Setyembre na isa sa bawat 10 Pinoy ay ‘illiterate’.

Bunsod nito, naglaan ang DepEd ng 21-milyong pondo para isulong ang programang Every Child a Reader Program (ECARP) na ang layunin ay maturuang magbasa, magsulat at magbilang ang bawat batang isinisilang.

Nagpahayag din ng paniniwala si Education Secretary Armin Luistro na makakamit ng gobyerno ang Education for All (EFA) sa tulong na rin ng iba’t ibang sector o stakeholders.

Bukod sa ECARP ay pursigido rin nilang ipinapatupad ang alternative learning system o ALS kung saan hinahanap at hinihimok na bumalik sa paaralan ang mga out of school children, youth at adults o OSCYA.

Show comments