'Juan Time' inilunsad ng M'cañang
MANILA, Philippines - Hinikayat ng Malacañang ang mga mamamayan na huwag aksayahin ang oras at sundin ang bagong “Juan Time” o Philippine Standard Time.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Sonny Coloma, mahalaga ang bawat oras upang magkaroon ng pagbabago.
Sinabi ni Coloma na dapat sumunod ang lahat sa bagong Philippine Standard Time kung saan dapat maging “punctual” ang lahat at kalimutan na rin o tuluyang isantabi ang pagpasok ng late upang makatulong ang lahat sa pagbabago ng bansa.
Pinangunahan ng Department of Science and Technology (DOST) at ibang ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor ang paglulunsad sa buong bansa ng PST na naglalayong maging sabay-sabay ang lahat ng orasan sa bansa.
- Latest
- Trending