^

Bansa

Central, N. Luzon hinataw ni 'Quiel'

- Nina Joy Cantos at Angie Dela Cruz -

MANILA, Philippines - Hindi pa man nakaka­bangon ang Central at Northern Luzon kay bag­yong Pedring ay muli na­­man itong iginupo ng bagyong Quiel na nag-land­fall kahapon sa Isabela.

Mahigit isang oras matapos tumama si Quiel ganap na alas-9 ng umaga sa Dinapigue, Isabela ay nagkaroon ng landslide sa Brgy. Gonogon sa bahagi ng Hanselma-Mountain Highway kung saan nali­bing ng buhay ang isa katao habang isa pa ang nasugatan matapos matabunan ng gumuhong bundok ang ta­hanan ng mga ito sa Bontoc, Mountain Province.

Kinilala ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos ang nasawing biktima na si Sonny Marcos habang sugatan si Melanie Gomez, pawang ng Brgy. Gonogon, Bontoc.

Ayon kay Ramos sa kasalukuyan ay ‘isolated’ o hindi na madaanan ang Palanan, Dinapigue, Maconacon sa lalawigan ng Isabela bunga ng nabuwal na mga punongkahoy at flashflood gayundin ang Tabuk-Aurora highway.

Ayon sa PAGASA, napanatili ni Quiel ang lakas na hangin na nasa 160 kph malapit sa gitna at bugso na nasa 195 kph.

Nakataas ang signal No. 3 sa Isabela, Northern Aurora, Mt. Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, Benguet, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.

Signal No. 2 sa Cagayan, Apayao, Ilocos Norte, Abra, Kalinga, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bulacan, Northern Quezon at Polillo Island.

Samantala signal No. 1 sa Quezon, Camarines Norte, Rizal, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas, Lubang Island, Babuyan Island, Calayan Group of Islands at Metro Manila.

Ayon kay DOST Usec. Graciano Yumul, inaasahan na magdudulot ng mga malalakas na pag-ulan ang bagyong Quiel sa Northern Luzon pati na ang timog Luzon at Metro Manila dahil sa hanging habagat.

Pinaalalahanan ni Yumul ang mga residente sa Luzon partikular ang mga lalawigan ng Pampanga, Bulacan, Isabela, Cagayan na una ng binaha dahil malaki umano ang posibilidad na lalong magkaroon ng malawakang pagbaha.

Anya, mas madaling magkaroon ng mga pagbaha ngayon dahil basa pa ang lupa bunsod ng mga pagbahang idinulot ng bagyong Pedring.

Kasing dami umano ng bagyong Pedring ang ulan na dala ni Quiel kaya’t mainam na itoy paghandaan.

AYON

BABUYAN ISLAND

BONTOC

BRGY

BULACAN

ISABELA

METRO MANILA

NORTHERN LUZON

PEDRING

QUIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with