MANILA, Philippines - Hawak ngayon ng Manila Social Welfare and Development ang isang 13-anyos na high school student makaraang saksakin nito ng isang matulis na metal ang kaniyang schoolmate sa Arellano High School, Sta. Cruz, Maynila, Huwebes ng umaga.
Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang itinago sa pangalang “Jon-jon”, 15, 3rd year high school at residente ng Narra Extension St., Tondo, Maynila habang nasa kustodiya na ng Manila-DSW ang suspect na itinago sa pangalang “Jimboy”, 13.
Dakong alas-2:30 ng hapon kamakalawa nang saksakin umano ng suspect ang biktima sa loob mismo ng compound ng Arellano HS, sa T. Mapua Sta. Cruz, Maynila.
Nabatid na dati nang kaaway ng biktima ang grupo ng suspect at nang magkita nitong Huwebes ay inundayan umano ng ilang ulit na saksak ng suspect subalit nasalag. Nang papatakbo ang biktima ay sinaksak pa ito sa likod ng ilang beses, bagamat di napuruhan.
Inilipat na lamang ng MPD-Station 3 ang kaso sa MDSW.