^

Bansa

Panonood, pagpapa-picture 'pag may storm surge delikado

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Delikado ang ginawang panonood at pagpapa-picture pa ng ilang mga nakasaksi sa storm surge na tumama sa Manila Bay noong kasagsagan ng bagyong Pedring kung saan nalagay pa sa Facebook ang ilan sa mga ito.

Ito ang sinabi kahapon ni Senator Loren Legarda matapos niyang ilunsad ang Disaster Preparedness and First Aid Handbook na naglalaman ng mga dapat gawin tuwing may kalamidad.

Nakasaad sa nasabing handbook na ang storm surge ay ang biglaang pagtaas ng tubig sa dagat na nagiging sanhi ng mga malalaki at matataas na alon katulad ng nangyari sa Manila bay kung saan nasira pa ang breakwater.

Nauna rito, ilang malalakas ang loob ang mistulang nag-enjoy pa sa nangyaring storm surge sa Manila bay at nagawa pa nilang magpa-picture kung saan naging background ang malalaking alon.

Nakasaad din sa nasabing handbook na pinaka-delikado naman sa kidlat ang mga taong nasa labas ng kanilang tahanan lalo na yong mga pumupuwesto sa ilalim ng matataas na punong-kahoy.

Delikado rin umanong tamaan ng kidlat ang mga nasa loob ng sasakyan kung saan may nangyayaring flash flood. Dapat umanong iwasan ang mga matataas at nagsosolong punong kahoy kung may kidlat dahil malaki ang posibilidad na tamaan ito. 

Ang mga iba’t ibang uri ng kalamidad na nangyayari sa bansa ay sanhi ng pagbabago ng panahon na tinatawag na climate change.

DAPAT

DELIKADO

DISASTER PREPAREDNESS AND FIRST AID HANDBOOK

FACEBOOK

MANILA BAY

NAKASAAD

NAUNA

SENATOR LOREN LEGARDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with