P82M hospital at dialysis center itatayo sa Valenzuela City
MANILA, Philippines - Higit pang pinaigting ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang paghahatid ng health services sa mga residente kasunod ng napipintong konstruksyon ng bagong ospital at dialysis center na nagkakahalaga ng P82 milyon.
Tatlong palapag at mayroong 50-bed ang itatayong Valenzuela City West Emergency Hospital and Dialysis Center na nakatakdang simulan ang konstruksyon sa susunod na buwan ay mayroong lawak na 4,000-square meter na matatagpuan sa adjacent ng Valenzuela City Astrodome sa Barangay Dalandanan.
Pinangunahan ni Mayor Sherwin T. Gatchalian ang hanay ng mga opisyal ng lungsod, residente at panauhin mula sa health at social welfare sector ang groundbreaking at time capsule laying ceremony ng nakaraang linggo.
“This is a landmark project of the City’s health services. Building a bigger and better hospital is a strong symbol of our City’s progress,” ani City Health Officer Dr. Jaime Exconde, Jr.
- Latest
- Trending