^

Bansa

Mga biktima ni Pedring maaring mag-calamity loan sa Pag-IBIG

-

MANILA, Philippines - Maaari nang mag-aplay para sa calamity loans ang mga miyembro ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) na naapektuhan ng bagyong Pedring.

Ayon kay Pag-IBIG deputy chief executive Emma Linda Faria, P5 bilyon ang inilaan ng pamahalaan para sa mga nasalanta ng bagyo bilang alalay sa pagbangon mula sa nagdaang bagyo.

Sa ilalim ng Calamity Loan Program ng Pag-IBIG, ang bawat  miyembro na  may kabuuang 24 monthly contributions at nakatira sa lugar kung saan naidek­larang nasa ilalim ng “state of calamity” ay maaari umanong makinabang sa nasabing programa.

Ayon kay Faria, tinatayang nasa P10,000 hanggang P15,000 ang maaaring mautang ng bawat mi­yembro at babayaran ito sa loob ng 24 na buwan na may limang buwang grace period. Ang loan interest ay nasa 10.75 percent per annum.

Anya,  maaari pa rin umanong makakuha ng cala­mity loan ang mga Pag-IBIG members na may naka­binbing Multi-Purpose Loans, bagama’t ibabawas umano sa bagong utang ang balanse nito.

Nakahanda rin umano ang kagawaran na mag-deploy ng kanilang mga tauhan sa mg calamity-stricken areas para tumanggap ng mga loan applications. (Angie­ dela Cruz/Danilo Garcia)

vuukle comment

ANGIE

ANYA

AYON

CALAMITY LOAN PROGRAM

CRUZ

DANILO GARCIA

EMMA LINDA FARIA

HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND

MULTI-PURPOSE LOANS

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with