Gastos sa biyahe ni GMA sisilipin

MANILA, Philippines - Ilalantad ng tanggapan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. ang detalyadong ulat hinggil sa natitirang unli­quidated disbursements sa mga pagbibiyahe (dayuhan at lokal) ni dating­ Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang ibinunyag ni Ochoa sa nakaraang bud­get hearing sa Senado hinggil sa natitirang unliquidated travel cash advancement ng dating pangulo.

Mismong si Sen. Franklin Drilon ang nagtanong kay Ochoa hinggil sa mga biyahe sa ibang bansa ng nakaraang administrasyon matapos matuklasan ng Commission on Audit (COA) noong 2009 ang malaking halaga ng gastos subalit nananatiling unliquidated.

Ibinulgar ni Drilon mula sa isang COA report na aabot sa P940.6 mil­yon ang actual disbursements para sa mga biyahe sa ibang bansa noong taong iyon, sobra nang P696 milyon sa dapat sana’y P244.6 milyon.

Nabatid din sa naturang COA report ang isang malaking cash advance ng Arroyo administration na nagkakahalaga ng P594 milyon na simula pa Dis. 31, 2009 ay hindi pa rin nali-liquidate.

Sa records umano ng Office of the President Finance Office, aabot sa P571 milyon ang unli­ quidated cash advances simula Dis. 31, 2010. Tanging P203.90 milyon pa lamang ang nali-liquidate simula Agosto 31, 2011.

Show comments