Natitirang mga buko puro 'senior citizen'
MANILA, Philippines - Isa sa bawat pitong puno ng buko sa Pilipinas ang “senior citizens” kaya dapat kumilos na ang gobyerno kung seryoso ito na suplayan ng buko juice ang Estados Unidos.
Ayon kay Aurora Rep. Edgardo Angara, 15 porsyento o 44 milyong coconut tree sa bansa ay hindi na namumunga ng maayos dahil sa katandaan kaya dapat na magtanim na ng bago upang magkaroon tayo ng “fountain of buko juice”.
Nanganganib din umano ang suplay ng buko dahil sa biodiesel program o ang paghahalo ng limang porsyentong biofuel sa ibinebentang diesel sa bansa.
“Coconut trees are our oil rigs. If they go dry then our biofuel program sputters too,” ani Angara. “If the world gets addicted to coconut juice, then the supply will certainly not be enough, as coconut is also used for other food and fuel.”
Hindi umano kasya ang P682 milyon pondo ng Philippine Coconut Administration para sa 2011 dahil kailangan ng “serious replanting” sa bansa.
Sa naturang pondo P220 milyon ang gagastusin para sa pagtatanim ng 4.4 milyong puno.
Nauna ng sinabi ni An Waray Rep. Florencio Noel na kaya ng Eastern Samar na suplayan ang $15 milyong buko juice requirement ng US.
Ang buko juice ay nagtataglay ng electrolytes at minerals na mas maganda sa kalusugan kaysa sa mga sports drinks.
- Latest
- Trending