^

Bansa

DOH hinikayat ang publiko sa pagsusuot ng helmet, seatbelt

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines -  Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga moto­rista na magsuot ng seatbelt at helmet sa pagbibiyahe matapos lumitaw sa pag-aaral na malaking porsiyento ng mga aksidente sa daan ay dahil sa kawalan ng suot na proteksiyon.

Batay sa 2011 first quarter data ng DOH-National Electronic Injury Surveillance System (NEISS), may 12,729 injury cases na naitala, sa 3,901 ang transport/vehicular crashes, na siya ring nangungunang dahilan ng pagkasugat.

Ayon kay Health Undersecretary Teodoro J. Herbosa, mala­king tulong sa mga motorcycle riders at mga angkas sa motorsiklo ang helmet para maproteksiyunan sila sa anumang fatal injuries.

Ang Central Luzon ang nakapagtala ng pinakamataas na insidente ng transport/vehicular accident na umabot sa 22.4 porsiyento, sumunod ang Davao Region (21.6%), at MIMAROPA (10.6%).

Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at CARAGA region naman ang nakapagtala ng pinakamababang vehicular accident cases o tig-0.4 porsiyento lamang.   

ANG AUTONOMOUS REGION

ANG CENTRAL LUZON

AYON

BATAY

DAVAO REGION

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH UNDERSECRETARY TEODORO J

HERBOSA

MUSLIM MINDANAO

NATIONAL ELECTRONIC INJURY SURVEILLANCE SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with