^

Bansa

14 Pinoy na dinukot sa Africa, laya na

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Pinakawalan na ng mga pirata ang may 14 tripulanteng Pinoy na dinukot sa karagatang sakop ng Togo sa West Africa kamakailan.

Kinumpirma ni Ambassador Carlos Salinas ng Embahada ng Pilipinas sa Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa maayos nang kondisyon ang 14 Pinoy sakay ng MT Matheos I at patungo na umano sa isang neutral port matapos na palayain ng mga hinihinalang piratang Nigerian.

Ang MT Matheos I, isang Cyprus-flagged at Norweigian manage tanker ay hinayjack noong Setyembre 14, 2011 sa Lome, Togo sakay ang 23 crew na kinabibilangan ng 14 Pinoy, mga Spanish, Peruvian at Ukrainian habang nagdidiskarga ng krudo sa isa pang barko sa Gulf of Guinea.

Inutos na ni DFA Secretary Albert del Rosario na agad iproseso ang repatriation o pagpapauwi ng mga nakaligtas na Pinoy sa Manila.

Walang inihayag ang DFA kung may ransom na ibinigay sa mga abductors kapalit ng kalayaan ng mga Pinoy na bihag. 

Sa huling tala ng DFA, may 32 Pinoy seamen pa sakay ng limang barko ang nananatiling hawak ng mga pirata sa Somalia habang sa West Africa ay 2 Pinoy ang patuloy na nawawala.

AMBASSADOR CARLOS SALINAS

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

GULF OF GUINEA

INUTOS

MATHEOS I

PINOY

SECRETARY ALBERT

WEST AFRICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with