Digital terrestrial TV inaabangan
MANILA, Philippines - Ang mga test broadcast sa digital terrestrial TV (DTT) standard na Integrated Services Digital Broadcast-Terrestrial (ISDB-T) ay lalo pang nagpaigting sa hangarin ng mga manunuod ng telebisyon lalo na sa probinsiya na magkaroon na ng digital tv broadcast service sa bansa para sa dulot nitong mas kalidad na tv viewing.
Ang mga broadcast networks na nagsagawa na ng nasabing digital test broadcasts ay kinabibilangan ng ABS-CBN, IBC-5, Net 25, Gem TV, at government station National Broadcasting Network (NBN).
Pinili ng ABS-CBN ang mahihirap na kabahayan sa Barangay Calulut, San Fernando, Pampanga at mga bayan sa San Miguel, San Ildefonso at San Rafael sa Bulacan na nagtala ng pagtaas ng kagustuhan na magkaroon na ng digital tv broadcast.
Pinakamalakas na dahilan kung bakit nagustuhan nila ang digital tv broadcast ay ang pagkakaroon ng mas maraming pagpipiliang bagong channels, at ang malaking pagganda ng kanilang tv signal
Ngayong buwan, nirekomenda muli ng National Telecommunications Commission (NTC) na ang Pilipinas ay magroll-out ng digital tv broadcast sa ISDB-T, samantalang ang mga manunuod, gaya ng mga brodkaster, ay nasasabik na rin na matuloy na ang nabibimbing digital tv broadcast service.
- Latest
- Trending