MANILA, Philippines - Umabot na sa 6,000 lumang taxi ang na-phaseout ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) mula 2007 hanggang 2011.
Ayon kay Joel Bolano, information technology officer ng LTFRB, ang naturang na-phaseout na taxi units ay 50 porsyento pa lamang ng kanilang target na alisin na aabutin ng 10,000 hanggang 12,000 lumang taxi.
Kapag umabot na ng 12 taon ang taxi, hindi na nila ito binibigyan ng prangkisa para mag-operate. Gayunman, maaari pa itong pumasada ng dagdag na dalawang taon kung ang taxi unit ay ipina-convert sa LPG bilang insentibo ng ahensiya sa mga ito.
Umaabot sa 27,000 ang taxi unit na pumapasada sa Metro Manila sa kasalukuyan.
Sarado naman ang LTFRB para buksan ang franchise para sa mga taxi.