MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng pamunuan ng Department of Education na maibibigay na sa susunod na buwan ang suweldo ng mga guro sa kindergarten sa bansa.
Ayon kay Kenneth Tirado, Public Information Office (PIO) chief ng DepEd, inaayos na nila ng mga kinakailangan na dukumento para sa sahod ng mga guro.
“We wish to assure our kindergarten teachers that we are fast-tracking the processing of the payment of their salaries. We hope to begin receiving June-October payments next month,” ani Tirado.
Umapila rin si Tirado sa mga guro na hindi pa sumusuweldo mula ng magbukas ang pasukan na agad na isumite sa DepEd ang actual enrolment data ng kani-kanilang mga tinuturuang mga estudyante.
Una rito ay ibinunyag ng grupong Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na hanggang ngayon ay hindi pa napapasuweldo ang may kabuuang 27,793 na mga guro sa kinder.