^

Bansa

P300 dagdag hazard pay sa mga bgy. tanod

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Karagdagang P300 buwanang hazard pay ang ibibigay sa mga barangay tanod sa buong bansa bilang pagkilala sa pagsusumikap ng mga ito na labanan ang mga kriminal na aktibidad at pagtulong sa mga awtoridad upang mapanatili ang katahimikan at kapayapaan sa kanilang mga barangay.

Sa House bill 4886 na ini-akda ni Manila 4th district Rep. Ma. Theresa Bonoan-David, nilalayon nito na pagaanin ang kalagayan ng mga barangay tanod na tumatanggap lamang ng mas mababa pa sa P100 bilang honorarium kada buwan.

Giit ng kongresista, ang mga tanod ang laging nasa peligro ang buhay dahil sa ginagawa nilang pagro-ronda gabi-gabi kaya’t nanganganib ang kanilang buhay sa kamay ng mga kriminal at iba pang mga pasaway sa lipunan.

Base sa record, mayroong ilang barangay ang nagbibigay lamang ng honorarium na P100 kada buwan sa kanilang mga barangay tanod tulad umano sa Bgys. Paril at Mabini sa Cebu na kapwa bulubunduking lugar na nagbibigay lamang ng P150 kada buwan na honorarium.

vuukle comment

BARANGAY

BGYS

CEBU

GIIT

KARAGDAGANG

MABINI

PARIL

SA HOUSE

THERESA BONOAN-DAVID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with