^

Bansa

Hanging bridge naputol: 1 stude dedo, 4 sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isa na namang tra­hedya ang naga­nap sa camping ng Boy Scout/Girl Scout Jamboree, makaraang maputol ang ha­nging bridge na tinatawiran ng 50 estud­yante na nahulog sa ilog  na kumitil ng buhay ng isa sa mga ito habang apat pa ang nasugata ka­hapon ng umaga sa Barangay Masipag, Macalelon, Quezon.

Sa ulat ni Quezon Provincial Police Office Director P/Senior Supt. Erickson Velasquez, idineklarang pa­tay sa Gumaca District Hospital ang biktimang si Abegail Palo, 4th year sa Macalelon High School.

Patuloy namang gi­nagamot ang apat na estudyante na na­ ki­lalang sina  Carme­del Formaran, 13;  Paulo Aviles, 13; Kinly Dean, 14; at si Lealyn Baga­yan, 14, pawang 2nd year high school na lumahok sa cam­ping.

Nailigtas naman ang iba pang estudyante ng mga nagrespondeng rescue team matapos mahulog sa ilog mula sa mataas na hanging bridge dakong alas-10:45 ng umaga.

Ang iba naman ay bahagyang nagtamo ng gasgas sa ka­tawan at  hindi na dinala sa ospital matapos na lapatan ng first aid.

Lumilitaw na bumi­gay ang lumang ha­nging bridge dahil hindi nakayanan ang bigat ng may 50 high school students na kalahok sa camping kaugnay ng 5-araw na Boy Scout/Girl Scout Jamboree sa nasabing bayan.

Kasalukuyang tumatawid sa ilog ang mga estudyante sa ilalim ng superbisyon ni Rudy Concepcion, course coordinator nang malagot ang hanging bridge.

Sinisilip naman ng kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan kung may pananagutan ang coordinator ng mga estudyante habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

ABEGAIL PALO

BARANGAY MASIPAG

BOY SCOUT

ERICKSON VELASQUEZ

GIRL SCOUT JAMBOREE

GUMACA DISTRICT HOSPITAL

KINLY DEAN

LEALYN BAGA

MACALELON HIGH SCHOOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with