MANILA, Philippines - Umaabot sa P2.5 bilyon ang naipautang ng Department of Agriculture sa ilalim ng Agricultural Competitiveness Enhancement Fund (ACEF) noong 2010, pero hindi na mahabol ng gobyerno dahil ibinigay umano ito sa mga ‘ghost borrowers’.
Ang nasabing pondo ay ipinalabas umano para matulungan ang mga magsasaka at kooperatiba sa bansa.
Ayon sa report ng Commission on Audit, daan-daang kompanya ang pinautang ng DA sa pagitan ng 2000-2009, kung saan mas marami ang ipinalabas sa panahon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo pero ngayon ay hindi na mahanap ang mga ghost borrowers.
Hinala ni Sen Franklin Drilon, binuksan lamang ang mga kompanya upang maka-utang mula sa multi-billion government credit line, kung saan nakipagsabwatan naman umano ang mga opisyal ng DA.