Refund sa sobrang singil sa tubig, hiniling

MANILA, Philippines - Umapela ang isang kongresista kay Pa­ ngu­long Noynoy Aquino na simulan na ang pagre­refund sa mga consu­mers sa sobang singil ng dalawang private con­sessionaires ng Me­tropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa loob ng 11-taon.

Kasabay nito ay hi­namon rin ni Bagong He­ nerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy si Justice Secretary Leila de Lima na ipagharap ng kaso ang mga dati at kasaluku­yang mga opisyales ng MWSS.

Kabilang sa tinutu­koy ni Herrera-Dy ang mga opisyales na sang­kot sa umanoy maanomal­yang conversion ng equity sa Maynilad Water Services Inc. ng isa sa da­lawang con­cessionaires nito sa halagang P8.5 bil­yong pagkakautang sa MWSS.

Paliwanag ng kongresista, base sa pagsisiyasat ng House Committee on Good Go­vernment natuklasan na sobra-sobra ang ipi­napataw na singil sa tubig ng Manila Water Company at Maynilad.

Pinababalik nito sa May­nilad at Manila Water sa publiko ang mahigit sa P1-B na nakolekta nito sa hindi naiimplementang water at sewerage improvement projects.

Nabatid na sa sini­singil na P7.21 ng Maynilad at P4.02 sa MWC noong 1997, ay umakyat sa kasalukuyan ang water rates per cubic meter sa halagang P33.32 at P30.34, ayon sa pagkakasunud-sunod.

Show comments