Bagyong Pedring papasok sa bansa
MANILA, Philippines - Inaasahang puma sok ngayong araw na ito sa bansa ang isang Low Pressure Area (LPA) na posibleng maging ganap na bagyo.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kapag pumasok na ito sa bansa bilang isang bagyo ay papangalanang Pedring.
Sinabi ni Aldczar Aureli, forecaster ng PAGASA si Pedring ay inaasahang makakaapekto sa bansa sa susunod na linggo na unang tutumbukin ang bahagi ng Cagayan.
Kaugnay nito, makakaranas naman anya ng pag-uulan ang ilang bahagi ng Luzon dahil sa habagat.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay maaliwalas at banayad ang pag-alon sa karagatan.
- Latest
- Trending