^

Bansa

PNoy malamig sa anti-'planking'

- Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Nagpahiwatig ang Ma­lacañang ng kawalan ng pagsuporta sa isinusulong na anti-planking law sa Kamara.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang sinuman na magsasagawa ng planking sa kalye at malalagay sa peligro ang kanyang buhay ay maaaring alisin ng pulis o awtoridad para sa kanyang kaligtasan kahit walang anti-planking law.

Wika ni Sec. Lacierda, may mga batas namang puwedeng gamitin ng gobyerno sa sinumang magiging sanhi ng trapiko sa kalsada tulad ng ginawa ng ilang militante sa nakaraang tigil-pasada noong Lunes na nagsasagawa ng protesta sa pamamagitan ng planking.

Idinagdag pa ni Lacierda, ang planking ay bagong estilo ng mga protesters bilang paraan ng paghahayag ng kanilang hinaing sa gobyerno.

vuukle comment

ANTI

GOBYERNO

IDINAGDAG

KAMARA

LACIERDA

NAGPAHIWATIG

PLANKING

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

SINABI

WIKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with