^

Bansa

2 eroplano nagkasagian sa NAIA

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Dalawang eroplano ang nagkasagian sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Sa isinagawang imbes­tigasyon ng NAIA Aircraft Ground Operations and safety Division (AGOSD), nakatakdang mag-takeoff ang Airbus 332 ng Qatar Airways patungong Doha, Qatar na noo’y nakahimpil sa bay 15 at hinihila ng tow tractor ng masagasaan ang kaliwang pakpak ng Delta Airline dakong alas 4:30 ng umaga na noo’y nakahimpil sa bay 14.

Bunsod nito, pinababa ang mga pasahero at kinumpuni muna ang eroplano bago tuluyang nakalipad ang Qatar Airways flight QR 645 dakong alas-5:01 ng umaga na nagtamo rin ng kaunting gasgas sa kanyang pakpak.

Samantala, tuluyan nang hindi nakalipad ang Delta Air dahil bukod sa pagkukumpuni ay may bagyo umano sa Japan na pupuntahan nito.

  

AIRCRAFT GROUND OPERATIONS

BUNSOD

DALAWANG

DELTA AIR

DELTA AIRLINE

DOHA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT TERMINAL

QATAR AIRWAYS

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with