'Anti-bullying' lusot na sa Kamara
MANILA, Philippines - Upang matugunan ang tumataas na insidente ng mga pananakot at pagbabanta mula sa mga nangbu-”bully” sa kanilang mga ka-eskwela sa mga paaralan, inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang “anti-bullying act”.
Sa pinagsamang panukala sa ilalim ng House Bill 5248 nina Ako Bicol party list Reps. Rodel Batocabe, Alfredo Garbin Jr at Christopher Co, layunin nito na magbigay ng kaalaman sa mga estudyante at mga magulang kung ano ang epekto ng pangbu-bully at kung paano ito maiiwasan at matutugunan.
Ang mga insidente umano ng pangbu-bully o iba pang uri ng harassment ng mga estudyante sa kanilang mga kaklase ay isa sa dahilan ng pagkabahala sa maraming paaralan sa bansa.
Sa ibang bansa ay nagbubunsod din ito sa mga estudyante para magpakamatay upang matakasan ang pangbu-bully ng kanilang mga kaklase.
Sa ilalim din ng panukala, inaatasan ang mga school officials na magbigay ng mekanismo upang matugunan ang pananakot kabilang dito ang pagsusumbong sa mga law enforcement agencies at pagbibigay ng karampatang disciplinary administrative action at pagbibigay-alam sa mga magulang o guardians ng mga nangbu-bully.
Kailangan din isama ng Department of Education sa kanilang training programs courses na magtuturo sa mga school administrators, teachers at employees kung paano maiwawasan at hahawakan ang mga insidente ng pangbu-bully.
- Latest
- Trending