^

Bansa

Senate probe sa lumulobong suicide

- Nina Malou Escudero at Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nais paimbestigahan ni Senator Manny Villar sa Senate Committee on Youth, Women and Family Relations ang napaulat na pagtaas ng bilang ng mga nagpapakamatay na karamihan ay mga lalaki.

Sa resolusyon na inihain ni Villar, nais nitong magkaroon ng “suicide prevention program” ang gobyerno upang mapigilan ang mga nag-iisip na magpakamatay o mag-sucicide.

Bunsod ito ng pinakahuling insidente na kinasasangkutan ng dalawang teen-ager na ngayo’y kapwa “brain dead” sa intensive care unit ng isang ospital matapos ang naganap na shooting incident sa isang mall sa Pampanga nitong Martes.

Bagaman at maitutu­ring pa ring mababa ang bilang ng mga nagpapakamatay sa bansa o 2.1 sa bawat 100,00 katao, posible umanong marami ang hindi lang nairereport sa pulisya dahil hindi ito katanggap-tanggap sa Simbahang Katoliko.

Ayon umano sa World Health Organization (WHO), umaabot sa 1 milyon katao ang nagpapakamatay taun-taon o isa katao ang nagsu-suicide sa bawat 40 segundo sa buong mundo.

Sa nakaraang 45 taon, ang suicide rates sa buong mundo ay tumaas ng 60 porsiyento.

Sa pinakahuling ulat ng Philippine Health Statistics yearbook, umaabot sa 1,500 ang naiulat na nag-suicide sa bansa kung saan mas marami ang lalake kaysa babae o ratio na 3:1.3.

Marami rin umano sa nagpapatiwakal ay nasa age group na 10-14, sinundan ng 15-19 at 20-24 at lumalabas na mas delikadong mag-suicide ang mga adolescents at young adults.

Bunsod nito, handang magtayo ng Suicidal Center ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para umaalay sa mga taong depress na siya umanong nagiging ugat ng pagpapakamatay at pagpatay ng isang tao laluna kung tungkol sa pag-ibig.

Kabilang sa magiging trabaho ng counseling center for Suicidal and Depression Center ang pagbibigay ng payo at psychological treatment sa mga may ganitong uri ng problema upang makatulong sa kanilang maka-recover sa dina­dalang problema.

Matatandaang isa sa mga kilalang personalidad na nagpakamatay sa bansa si dating AFP Chief of Staff Angelo Reyes na nagbaril sa harap ng puntod ng kanyang ina matapos masangkot sa anomalya sa militar.

BUNSOD

CHIEF OF STAFF ANGELO REYES

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

PHILIPPINE HEALTH STATISTICS

SENATE COMMITTEE

SENATOR MANNY VILLAR

SIMBAHANG KATOLIKO

SUICIDAL AND DEPRESSION CENTER

SUICIDAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with